Mga Persepsyon ng mga Mag-aaral sa TECVOC na Makapagtrabaho
Sa pagsukat ng tiwala ng mga estudyante sa kanilang mga kakayahan, may ginagamit na konsepto ng perceived self-efficacy, o paniniwala sa sariling kapabilidad na gumanap ng mga gawain. Ito ay hinuhulma ng tagumpay o kadalubhasaan sa pagganap, pagkakaroon ng modelo na maaring gayahin, suporta mula sa ibang tao, at estado ng katawan at mga emosyon (Bandura, 1994). A/N: Theory ni siya na related sa akong RRL. Kamo na lang decide kung i-cut ni or not.
Para sa larangan ng negosyo, isa sa mga larangang kalalabasan ng mga mag-aaral ng TECVOC pagkatapos ng senior high school, napakahalaga ng kumpyansa sa kakayahang makapagtrabaho. Sa isang pananaliksik na ginanap nina Pihie at Bagheri sa Malaysia (2011), nalaman nilang maraming mga estudyante ng mga teknikal at bokanikal na paaralan ang ginugustong maging negosyante subalit, mababa lang ang kanilang kumpyansa sa sarili. Nalaman rin nilang katamtaman lamang ang self-efficacy ng mga estudyante sa pagnenegosyo na maaring maging hadlang sa kanilang pagharap sa mga pagsubok ng pagtatayo ng isang negosyo.